Maraming dahilan pero ito lang talaga maisip ko siguro dahil ito iyong common...
Torpedo
Effect. Kalimitan sa lalaki nangyayari ito. Ito iyong tipo ng ugali na may
gusto ka sa isang tao pero dahil sa nahihiya ka o takot kang mareject kaya
sumuko ka na agad at ayaw mo nang itry kung pwede maging kayo. Nakukuha iyong
ugali na ito sa kawalan ng self-confidence.
·
Priorities.
Ito naman iyong kaso na katangap-tangap kahit na kanino. Dahil sa mga
priorities mo (tulad ng pagaaral, pamilya, pagtulog ng tulo laway, pagkanta ng
nakahubad atbp.), wala ka na care mapalitan ang status mo sa facebook na always
single. Para sa akin, maganda magset ng priorities. Aanhin mo magkaroon ng
partner kung di maganda iyong future niyo. Ang pangit na scenario pag naadik ka
na sa priorities at ang ending mo till death single.
·
High
Standard, Low Face Value. Pwede mo tawagin ang mga tao na nagtatagalay nito na
choosy, picky o kapalmuks. Ito iyong tao na mapili sa makakarelasyon dahil
feeling nila gwapo o maganda sila. Ayos lang maging ganito kung mala-Cristine
Reyes ang itsura mo o mala-Piolo Pascual ang appeal mo. Pero iyong face mo
parang alien na taga-Mars tapos pinipilit mo sarili mo na meant to be kayo ni
Derek Ramsay o Anne Curtis mahiya ka naman kahit unti lang. Sana naman huwag
natin abusuhin iyong ‘Love is blind’. Hayaan natin na ang tunay na pagibig ang
magpasya.
·
Bad
Attitude. Ibig sabihin masama ugali. Maganda ka man o pangit, kung puro
kasigaan, kaartehan,kamalditahan, kabastusan ang nakikita sa iyo, kahit si E.T.
di papayag na pakasalan ka.