Saturday, November 26, 2011

Why Single


Maraming dahilan pero ito lang talaga maisip ko siguro dahil ito iyong common...

Torpedo Effect. Kalimitan sa lalaki nangyayari ito. Ito iyong tipo ng ugali na may gusto ka sa isang tao pero dahil sa nahihiya ka o takot kang mareject kaya sumuko ka na agad at ayaw mo nang itry kung pwede maging kayo. Nakukuha iyong ugali na ito sa kawalan ng self-confidence.


·         Priorities. Ito naman iyong kaso na katangap-tangap kahit na kanino. Dahil sa mga priorities mo (tulad ng pagaaral, pamilya, pagtulog ng tulo laway, pagkanta ng nakahubad atbp.), wala ka na care mapalitan ang status mo sa facebook na always single. Para sa akin, maganda magset ng priorities. Aanhin mo magkaroon ng partner kung di maganda iyong future niyo. Ang pangit na scenario pag naadik ka na sa priorities at ang ending mo till death single.


·         High Standard, Low Face Value. Pwede mo tawagin ang mga tao na nagtatagalay nito na choosy, picky o kapalmuks. Ito iyong tao na mapili sa makakarelasyon dahil feeling nila gwapo o maganda sila. Ayos lang maging ganito kung mala-Cristine Reyes ang itsura mo o mala-Piolo Pascual ang appeal mo. Pero iyong face mo parang alien na taga-Mars tapos pinipilit mo sarili mo na meant to be kayo ni Derek Ramsay o Anne Curtis mahiya ka naman kahit unti lang. Sana naman huwag natin abusuhin iyong ‘Love is blind’. Hayaan natin na ang tunay na pagibig ang magpasya.


·         Bad Attitude. Ibig sabihin masama ugali. Maganda ka man o pangit, kung puro kasigaan, kaartehan,kamalditahan, kabastusan ang nakikita sa iyo, kahit si E.T. di papayag na pakasalan ka.

No comments:

Post a Comment