Wednesday, August 1, 2012

Long Live Pinoy Action Movies



One More Chance. My Amnesia Girl. Praybeyt Bemjamin. You Change My Life. Habang May Buhay. Lahat ito romantic comedies (o romcom na patok na patok sa movie industry ng Pinas. (Note: Para sa mga di familiar, produced ng GMA Films iyong Habang May Buhay. Kaya ito isinama dahil pinagbidahan ito ng favorite crush kong si Kris Bernal. Kung di lang ito tinapatan ng Very Special Love siguro ang laki ng fans club namin ngayon…) Nakakalungkot isipin na halos lahat ng action film na nasa listahan. Sa ating panahon, di lang hayop ang naeextinct pati na rin action movies. Gusto kong e-specify yong mga action movies na walang halong pantasya kundi bakbakan na malulupit na may mga kalibre 45 na baril. Asiong Salonga na remake ng dating superstar kontrabida na si Jorge Estregan. Siya na lang ata ang nagmarkang action film sa ating panahon. Sobrang nakakamiss iyong mga fighting styles ni Da King FPJ, pagiging lider ng sindikato ni Paquito Diaz, ang angas ni Rudy Fernandez bilang pulis at pagiging corrupt ni GMA sa gobyerno. Hindi naman sa mahilig ako sa mga movies na marahas, pero dito kasi naipapakita ang pangingibabaw ng kabutihan sa kasamaan. Bakit ang Amerika, Britanya, Europa at Hapon na gumagawa ng action movies ay maunlad samantalang tayo na puro comedy, romance, horror ang favorite eh puno ng krimen at kahirapan. Hindi ko pinipilit na ibalik ng Pinoy ang hilig nila sa action films kundi mamulat  muli tayo sa isang namamatay na industriya na kailangan makipagsabayan sa pagbabago at kailangan ng suporta galing sa atin. Dahil dito, nainspire ako gumawa ng isang film summary na hinango ko sa film na “The Expandables” na pinagbidahan ng pinakamagiting na Hollywood action stars na pinagsama sa isang pelikula. Pinamagatan ko itong “Ang Bunganga ng Kadiliman”. (Sa mga nacocornihan o napapangitan sa title, no choice kayo kasi ako gumawa) 

Title: Ang Bunganga ng Kadiliman

Cast:
Cesar Montano - Buboy Tabas
Robin Padilla - Boy Liver
Bong Revilla - Kuya Ramon
Jinggoy Estrada - Totoy Choosy
Lito Lapid - Lapid Lo
Ronnie Rickets - Ron Timbog
Jorge Estregan - Asiong Chickboy
Dick Israel - Dick Laki
John Regala - Totoy Gorabell
Joseph Estrada - godfather
Manoy - Mastermind

Location:
(1)   Tondo – iyong tipong sobrang sikip na maraming nagiinuman araw man o gabi. Maganda rin ito dahil pwede maghabulan ang bida at kontrabida sa bubongan at mga eskinita. Tatak na ng action film natin ang habulan sa squatters at mahalaga itong parte.
(2)   Camp Crame – Dahil mga special force ang ating mga bida, napakahalaga na medyo malaki ang hideout ng bida para makapagplano sila ng astig na dating. Kung normal na police station lang kasi sila magkakampo, baka iyong mga naka imbak na palpak na baril na worth billions ay makuha ng mga bida. Ayaw ko rin maingit ang bida sa malapalasyong hideout ng kalaban na katabi ng C5 project na hindi sinasadya ipatayo ni Villar.
(3)   Malapalasyong Condo Unit – Ito naman ang hideout ng kalaban. Kaya ko pinili ito dahil uso, ayon lang.
(4)   C5 Highway- Kailangan natin ng malapad na highway para sa habulan sa daan ng mga bida at kontrabida
(5)   Factory – Pagawaan ng illegal. Ito ang source ng kaguluhan.

Storyline: Ang ating mga bida ang mga special force ng Philippine Army. (Para sa mga clueless tungkol sa Special Force, ito iyong mga tao na dapat tumulong sa hostage taking ng bus sa Luneta dahil sa mas eksperto sila sa paghandle ng hostage taking) Dahil sa laganap na cybersex, drug mules, at pagbebenta ng maduming yema inatasan sila ng godfather (played by Erap) na sugpuin ang mastermind (played by Eddie Garcia) na involve sa malalaking krimen sa Pinas. Maraming maaksyon na eksena na mangyayari (imagination please!) sa paghabol nila dito. Sa huli, makakatakas ang mastermind, pati ang dalawang kontrabida para madugtungan ito ng part 2.

Notes:
(1)   Walang leading lady ang mga bida dahil mauubos ang oras kung isa isa silang may sweet moments at kissing scene. Kung gusto niyo nito, panuorin niyo na lang ang PBB Teens.
(2)   Iniisip ko pa rin kung isasali natin si Praybeyt Benjamin para medyo comedy at pang-box office.
(3)   Hindi natin pwede isali ang mga sikat na artista tulad nila Piolo Pascual, Coco Martin, Derek Ramsay, Jericho Rosales, Diether Ocampo, Rocco Nacino (Ha?) dahil mageexpect ang mga fans na mahilig sa machong katawan na pag binomba sila, lalabas silang nakahubad at puro katawan imbes na aksyon ang panuorin.
(4)   Iniisip kong gawin ang part 2 sa Mindanao para mas malaking armaments ang pwedeng magamit at malay natin pag may nakidnap sa cast eh biglang magboom ang pelikula.
(5)   Halos lahat ng scenes ay magpapakita ng mukha ng kandidato para sa sponsorship. Iyong tipong may t-shirt ng kandidato iyong mga tao, billboard sa highway, at mga pamaypay. Mahalga rin ito para mabilis ang shooting permit at may special treatment tayo sa munisipyo.   

No comments:

Post a Comment