Saturday, December 10, 2011

Pinoy ka nga!!!




Part 1- Ang Pagkain




Pagkain ang isa sa paraan upang ilarawan ang isang bansa o ang uri ng tao dito. Dito mo makikita ang isang yugto ng kultura ng isang bansa. Bawat lipi ng tao ay binubuo ng iba’t ibang uri at ugali ng pagkain. Ibig sabihin, mababakas mo ang uri ng tao depende sa pagkain. Bilang Pinoy, mayroon tayong style na sa atin mo lang makikita. Naisipan kong ilista para mas madali mo maintindihan. Kaya Pinoy ka nga kung:

1. Marunong ka magkamay kapag kumakain (lalo na kung nakabase ka sa probinsya). Sa totoo lang ibang klase ang pagkain lalo na kung nagkakamay ka ngPM 1.5 ng Mang Inasal na nasa dahon ng saging. (Wow promotion!)

2. Nagtitira ka ng pagkain o kaya naman nagkakahiyaan kainin iyong huling nasa hapag kapag kumakain ka sa labas. Naniniwala si Juan dela Cruz na kapag sinimot mu iyong pagkain, nagpapahiwatig ito ng kahirapan o sa mababaw na salin ka-PG-han. Nagkakahiyaan din minsan tirahin iyong huling pagkain lalo na kung grupo kayo dahil para sa Pinoy nangangahulugan ito ng pagtatapos ng kasiyahan habang kumakain.
(magtropang nasa walls ng Intramuros habang kumakain ng French Fries)

Boy 1: O, ikaw na umubos ng French Fries.
Boy 2: Busog na ko, si girl na lang.
Girl: Kayo na lang kumain ayoko na.
Boy 2: Yan lang nagtuturuan pa tayo.
Boy 1: Naku. Next time huwag na nga tayo kumain niyan. Nagkakahiyaan pa kainin eh.
Ending binigay na lang sa mga bata…

(nasa isang sosyal na debut ng tropa habang kumakain sa buffet)
Joy: Grabe ang sarap naman nitong matamis na hipon na ito. Pati itong fish pilit.
Greg: Hinaan mu nga iyong pagsasalita mu. Buttered shrimp yan te tsaka fish fillet hindi fish pilit.
Joy: Ganun din iyon no. Basta masarap magluto iyong catering.
Greg: Te may lakad. Ang bilis mong kumain. Iyong kain mo parang naghukay ka ng pundasyon ng tulay ah. Wagas!
Kel: Te magtira ka naman. Pati iyong pagkain ng aso di mo pinakawalan. Halatang tagutom na sa inyo eh…

3. Mahilig ka mag toothpick pagtapos kumain. Kaya pagtapos kumain, parang naghuhukay na ka ng ginto sa bibig.

4. Nagagawi ka sa tapsihan. Tapsilog, tocilog, chiksilog, porksilog at kung anu-ano pang may silog ay isa sa naging staple food natin. Dahil sa mura at sarap nito, hindi ako magtataka na lahat ng sulok ng Pilipinas ay mayroong tapsihan. Hulaan mo nga iyong ibig sabihin ng hungsilog.

5.  Mahilig kang sumawsaw. Tayo lang ata sa buong mundo iyong  nagsasawsaw ng chicken sa toyomansi o kaya sa banana ketchup. Tayo lang rin iyong nagsasawsaw ng tinapay sa kape, tuyo sa champorado, o suman sa asukal. Mahilig sa malasa at twist sa pagkain ang Pinoy. Baligtarin mu man ang buong Pinas, di natin mapigilan hindi gumamit ng sawsawan. Note: Food + Sawsawan = Sarap!!!

6. Weird ang tawag mo sa food. Pabili nga ng Mcdo. Kelangan ng Goldilocks sa birthday mo. Lagyan mo nga ng Ajinamoto para magkalasa. Ilan lang iyan sa lagi kong naririnig.

7. Nakain ka ng balut. Challenge: Ihiwalay mo ang mata, tuka, katawan ng sisiw sa balut tapos ayun ang iyong kainin.

8. Nakain ka ng ‘only in the Philippines’ food. Adobo, kaldereta, afritada, sinigang, nilaga, tinola, bopis, ube, leche flan, halohalo, pinapaitan, inasal, kwekwek, chicken skin, footlong, sago gulaman, lucky me pancit canton. Pag sumblay ka sa pagtikim sa isa sa mga ito, sabihin mo sa akin para mapadeport ka na sa ibang bansa.

9.  Nagbabaon ka ng food sa school o sa work. Mas hiyang ka sa lutong bahay kaysa sa luto ng canteen mong pangat. (Pangat-long luto) Naiintindihan kong mas ok magbaon lalo na kung iyong swapang na canteen niyo ay sobrang mahal, sobrang unti at sobrang di masarap ang food.

10. Nilalagay mo sa ref ang natirang pagkain. Nasa ugat na natin ang di pagsasayang sa pagkain sa bahay. Humanap ka ng ref na walang tirang ulam, bukas na softdrinks, bawas na cake lalo na kung pasko at bagong taon.

No comments:

Post a Comment