Part 1- Ang Pagkain
Pagkain ang isa sa paraan upang ilarawan
ang isang bansa o ang uri ng tao dito. Dito mo makikita ang isang yugto ng
kultura ng isang bansa. Bawat lipi ng tao ay binubuo ng iba’t ibang uri at
ugali ng pagkain. Ibig sabihin, mababakas mo ang uri ng tao depende sa pagkain.
Bilang Pinoy, mayroon tayong style na sa atin mo lang makikita. Naisipan kong
ilista para mas madali mo maintindihan. Kaya Pinoy ka nga kung:
1. Marunong ka magkamay kapag kumakain
(lalo na kung nakabase ka sa probinsya). Sa totoo lang ibang klase ang pagkain
lalo na kung nagkakamay ka ngPM 1.5 ng Mang Inasal na nasa dahon ng saging.
(Wow promotion!)
2. Nagtitira ka ng pagkain o kaya naman
nagkakahiyaan kainin iyong huling nasa hapag kapag kumakain ka sa labas.
Naniniwala si Juan dela Cruz na kapag sinimot mu iyong pagkain, nagpapahiwatig
ito ng kahirapan o sa mababaw na salin ka-PG-han. Nagkakahiyaan din minsan
tirahin iyong huling pagkain lalo na kung grupo kayo dahil para sa Pinoy
nangangahulugan ito ng pagtatapos ng kasiyahan habang kumakain.
(magtropang nasa walls ng Intramuros
habang kumakain ng French Fries)
Boy 1: O, ikaw na umubos ng French Fries.
Boy 2: Busog na ko, si girl na lang.
Girl: Kayo na lang kumain ayoko na.
Boy 2: Yan lang nagtuturuan pa tayo.
Boy 1: Naku. Next time huwag na nga tayo
kumain niyan. Nagkakahiyaan pa kainin eh.
Ending binigay na lang sa mga bata…
(nasa isang sosyal na debut ng tropa
habang kumakain sa buffet)
Joy: Grabe ang sarap naman nitong matamis
na hipon na ito. Pati itong fish pilit.
Greg: Hinaan mu nga iyong pagsasalita mu.
Buttered shrimp yan te tsaka fish fillet hindi fish pilit.
Joy: Ganun din iyon no. Basta masarap
magluto iyong catering.
Greg: Te may lakad. Ang bilis mong
kumain. Iyong kain mo parang naghukay ka ng pundasyon ng tulay ah. Wagas!
Kel: Te magtira ka naman. Pati iyong
pagkain ng aso di mo pinakawalan. Halatang tagutom na sa inyo eh…
3. Mahilig ka mag toothpick pagtapos
kumain. Kaya pagtapos kumain, parang naghuhukay na ka ng ginto sa bibig.
4. Nagagawi ka sa tapsihan. Tapsilog,
tocilog, chiksilog, porksilog at kung anu-ano pang may silog ay isa sa naging
staple food natin. Dahil sa mura at sarap nito, hindi ako magtataka na lahat ng
sulok ng Pilipinas ay mayroong tapsihan. Hulaan mo nga iyong ibig sabihin ng
hungsilog.
5.
Mahilig kang sumawsaw. Tayo lang ata sa buong mundo iyong nagsasawsaw ng chicken sa toyomansi o kaya sa
banana ketchup. Tayo lang rin iyong nagsasawsaw ng tinapay sa kape, tuyo sa
champorado, o suman sa asukal. Mahilig sa malasa at twist sa pagkain ang Pinoy.
Baligtarin mu man ang buong Pinas, di natin mapigilan hindi gumamit ng
sawsawan. Note: Food + Sawsawan = Sarap!!!
6. Weird ang tawag mo sa food. Pabili nga
ng Mcdo. Kelangan ng Goldilocks sa birthday mo. Lagyan mo nga ng Ajinamoto para
magkalasa. Ilan lang iyan sa lagi kong naririnig.
7. Nakain ka ng balut. Challenge:
Ihiwalay mo ang mata, tuka, katawan ng sisiw sa balut tapos ayun ang iyong
kainin.
8. Nakain ka ng ‘only in the Philippines’
food. Adobo, kaldereta, afritada, sinigang, nilaga, tinola, bopis, ube, leche
flan, halohalo, pinapaitan, inasal, kwekwek, chicken skin, footlong, sago
gulaman, lucky me pancit canton. Pag sumblay ka sa pagtikim sa isa sa mga ito,
sabihin mo sa akin para mapadeport ka na sa ibang bansa.
9.
Nagbabaon ka ng food sa school o sa work. Mas hiyang ka sa lutong bahay
kaysa sa luto ng canteen mong pangat. (Pangat-long luto) Naiintindihan kong mas
ok magbaon lalo na kung iyong swapang na canteen niyo ay sobrang mahal, sobrang
unti at sobrang di masarap ang food.
10. Nilalagay mo sa ref ang natirang
pagkain. Nasa ugat na natin ang di pagsasayang sa pagkain sa bahay. Humanap ka
ng ref na walang tirang ulam, bukas na softdrinks, bawas na cake lalo na kung
pasko at bagong taon.